A relationship is a two-way street. It's all about "Give and Take". It's also about being content with what your partner is able to give to you. Most girls expect a lot from men. They expect to be surprised often than usual. They expect gifts. They expect romance. They expect constant appreciation and reassurance.
As for me, I only expect for his time.
Time. Oras. Bagay na pag binigay ay hindi mo na maibabalik.
Tanging bagay na hinihiling ko ngunit nakukuha pa rin niyang ipagdamot.
Okay. It's that time of the year again. New Year.
Pero di matatapos ang taon without that scary feeling na we might break up again.
Bakit nga ba tuwing magbabakasyon lagi nalang may takot, may kaba na baka huling taon na namin to na magkasama. Na baka sa pagpasok ng bagong taon ay maiwan yung relasyon namin.
Nung naguumpisa palang kami, I'll admit, napaka-clingy ko.
Gusto ko lahat ng oras nya nasa akin.
Yun yung reason why we broke up nung una.
Eventually, gradually, natuto naman ako. Natuto akong igugol ang oras sa ibang bagay. Natuto akong mas mahalin ang sarili ko.
Confident naman ako to say na nag-improve naman ako.
I was doing fine. Nasa bakasyunan kami pareho with our own relatives. Busy sa kanya kanyang mga gawain. Casual talk lang. Nothing exciting.
Kaso di ko pa rin naman mapigilan ang sarili kong mamiss siya kasi mahal ko siya eh.
Ang ikinatatampo ko lang..Ang hi-tech na ng mundo..Ultimo messenger may video call na. May net naman sa kanya kanya naming lugar pero bakit hindi manlang niya ako maisipang i-video call?
Okay lang ba sa kanyang di ako makita?
A simple conversation pero ang pagitan ng mga reply ay 10-20mins. Nakakatampo.
May ginagawa ba siyang napakaimportante? Eh nanonood lang naman daw siya ng kdrama all day. Bored pa nga kamo siya. Yun lang, baka pati sakin..
Edi I acted out na. I said na nakakapagod na mag hintay ng mga reply niya. I asked why di manlang makapag video call. Lahat ng ikinasama ng loob ko, sinabi ko.
Ang sabi niya.. "Sinasanay ko lang sarili ko para pag nagtatrabaho na, hindi ako gaano mahirapan."
Ang akin lang, nagsasanay ka na pala, di mo manlang ako ininform. Ganun na pala ang set-up natin, wala akong kaalam-alam.
Ewan ko na. If he's the one, it shouldn't be this hard, right? Pero bakit ganito? Bakit kada malalayo kami sa isa't isa may alinlangan na baka mag-break nanaman. Lagi nalang bang ganito?
Friday, 30 December 2016
Sunday, 18 September 2016
Trip to Majayjay, Laguna
As engineering students, vacation should be spent wisely and utilized to the fullest. That is why my friends and I decided to go on a little trip to Majayjay, Laguna. A group of 6 people and the whole trip only cost us P1000. Here's how are vacation went down...
The trip was from September 18 to 20, 2016. The meeting place was at SM Calamba at 5pm. Doon nag grocery para sa snacks and drinks and nag ambagan nalang P100 each.
Our friend, Carlo, drove us to his lola's place
At lola's house, we played some cards and eventually decided to go to sleep

We got hungry so we ate first at Jollibee somewhere along the road I forgot where exactly.
At lola's house, we played some cards and eventually decided to go to sleep
Day 2: September 9
We went to Batis Aramin for a quick swim but on the way there we decided to climb all 301 steps. (whew that was tiring) paakyat sa kamay ni Hesus. Grabe di ako prepared don mga tsong. Almost died. haha. The entrance sa Batis Aramin was P170
After swimming, nag check in kami sa isang inn beside loop's pizza sa Lucban, Quezon. P317 each. May isang queen size bed at isang double deck na bed tapos may extra mattress pa. May free toiletries (toothbrush, toothpaste, soap, tissue) Airconditioned, may tv and maganda ang CR *thumbs up!* Doon na rin kami nag dinner sa loop's pizza. Although pizza ang main dish nila, we ate rice kasi gutom na kami kakalangoy. hehe. After eating nanood kami ng The Call sa room until we fell asleep.
Day 3: September 10
Swimming sa Taytay Falls. Nagdala kami ng tent para dun ilagay mga gamit. Super lamig ng tubig and sobrang clear at linis. Worth it! Di kami nakarating sa mismong falls dahil sa sobrang lakas ng current.

After swimming, we went home to our respective houses na. Dumaan muna kami sa Liliw Laguna para doon mag dinner pero sarado na so kumain nalang kami sa Big Belly's sa UPLB. Para kaming na-attach sa isa't isa kasi antagal nagsama-sama kaya nagyaya muna mag Starbucks sa may Pavillion until ayun, it's really time to go.
This trip was fun and exciting kasi andami namin napuntahan in just a short amount of time.
Until next time! :)
Thursday, 15 September 2016
Mahal, ako ba'y mahal pa rin?
Lahat naman ng babae gusto ng lalaking sweet.
Yung mabulaklak ang bibig. Pero hindi naman lagi.
Yung kahit paminsan-minsan lang, ipagmamalaki ka niya.
Yung magpopost siya ng picture mo sa wall niya with a long message telling the world how lucky he is to have you or how much he appreciates you.
Pwede ring mag tweet siya kahit di ka nakamention para pag chineck mo yung twitter niya, kikiligin ka.
Or mag post ng picture sa IG na candid tapos ganun ulit, may sweet message.
Haaaay. Ang saya diba? Pero yung mga lalaking tipo ni Chito Miranda ay napakabihira na.
Bakit nga ba?
Bakit di niya makuhang gawin yung mga simpleng hiling na paminsan-minsan ay pakiligin ka?
Baka dahil matagal na kayo?
Baka nung mga panahong nanliligaw palang siya, naubos na ang mga balang nakalaan para sayo.
Nasabi niya na siguro lahat?
At baka ayaw niya ng paulit ulit? Baka kasi maisip mo wala na siyang ginawa kundi mangulit.
Or worst case scenario, baka ika'y nagbago na rin?
Baka hindi na ikaw yung babaeng pinangarap niyang makamit?
Baka dahil sa tagal naging kumportable ka na at nung nakita niya ang tunay mong mga kulay
Para bang siya'y naumay at nagulat
Andami mo ng bagay na naisiwalat
Na hindi na dapat pang ikalat o ipagmalaki lalo na sa social media
Hindi ko alam. Hindi ko sigurado.
Baka rin masyado ka lang nagiisip at nagpapatalo
Sa mga haka-haka na wala namang basehan
Kasi hindi mo naman siya hinihingahan
Ng iyong mga sama ng loob at kung anu ano pa
Mga alinlangan at tanong na mahal ka pa ba niya
Gaya ng dati na para bang hindi ka niya makuhang pakawalan
Kahit ilang minuto lang naman kayong maghihiwalay dahil may kanya-kanyang pupuntahan
Bilang babae, alam ko, kailangan mo rin ng kasiguraduhan
Na hindi nalang siya magigising isang araw na may balak na ika'y iwanan
Pero subukan mo nalang rin alalahanin
ang lahat ng pinagsamahan ninyo at intindihin
Na hindi na maaaring bumalik sa dati
Ang init at kilig
Tandaan mo
Ang pag ibig ay hindi isang emosyon kundi isang disisyon
Tatanggapin mo siya at mamahalin, anuman ang sitwasyon
Hindi man niya palaging sinasabi
Baka naman ito'y kanyang ipinapakita
Hindi man galing sa labi, hindi man puro salita
Mahal ka niya. Yun naman ang mahalaga, hindi ba?

Subscribe to:
Posts (Atom)