A relationship is a two-way street. It's all about "Give and Take". It's also about being content with what your partner is able to give to you. Most girls expect a lot from men. They expect to be surprised often than usual. They expect gifts. They expect romance. They expect constant appreciation and reassurance.
As for me, I only expect for his time.
Time. Oras. Bagay na pag binigay ay hindi mo na maibabalik.
Tanging bagay na hinihiling ko ngunit nakukuha pa rin niyang ipagdamot.
Okay. It's that time of the year again. New Year.
Pero di matatapos ang taon without that scary feeling na we might break up again.
Bakit nga ba tuwing magbabakasyon lagi nalang may takot, may kaba na baka huling taon na namin to na magkasama. Na baka sa pagpasok ng bagong taon ay maiwan yung relasyon namin.
Nung naguumpisa palang kami, I'll admit, napaka-clingy ko.
Gusto ko lahat ng oras nya nasa akin.
Yun yung reason why we broke up nung una.
Eventually, gradually, natuto naman ako. Natuto akong igugol ang oras sa ibang bagay. Natuto akong mas mahalin ang sarili ko.
Confident naman ako to say na nag-improve naman ako.
I was doing fine. Nasa bakasyunan kami pareho with our own relatives. Busy sa kanya kanyang mga gawain. Casual talk lang. Nothing exciting.
Kaso di ko pa rin naman mapigilan ang sarili kong mamiss siya kasi mahal ko siya eh.
Ang ikinatatampo ko lang..Ang hi-tech na ng mundo..Ultimo messenger may video call na. May net naman sa kanya kanya naming lugar pero bakit hindi manlang niya ako maisipang i-video call?
Okay lang ba sa kanyang di ako makita?
A simple conversation pero ang pagitan ng mga reply ay 10-20mins. Nakakatampo.
May ginagawa ba siyang napakaimportante? Eh nanonood lang naman daw siya ng kdrama all day. Bored pa nga kamo siya. Yun lang, baka pati sakin..
Edi I acted out na. I said na nakakapagod na mag hintay ng mga reply niya. I asked why di manlang makapag video call. Lahat ng ikinasama ng loob ko, sinabi ko.
Ang sabi niya.. "Sinasanay ko lang sarili ko para pag nagtatrabaho na, hindi ako gaano mahirapan."
Ang akin lang, nagsasanay ka na pala, di mo manlang ako ininform. Ganun na pala ang set-up natin, wala akong kaalam-alam.
Ewan ko na. If he's the one, it shouldn't be this hard, right? Pero bakit ganito? Bakit kada malalayo kami sa isa't isa may alinlangan na baka mag-break nanaman. Lagi nalang bang ganito?
Friday, 30 December 2016
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment